Isa ka ba sa karamihang OFWs na pinoproblema ang pagbayad ng SSS contributions? Hindi lingid sa akin na ang ilan sa ating mga OFWs ay talagang sinisikap na magbayad ng contributions sa SSS at hanggat maari ay walang buwan na malaktawan(isa na ako doon). Ang masaklap nito, tayo na nga ang nagbabayad pero tayo pa ang kadalasang namomroblema kung paano makabayad.Nung unang dating ko dito sa Riyadh, isa rin ito sa mga bagay na talagang naging problema ko. Oo meron ngang mga ilang paraan para makabayad dahil nandiyan ang mga remittance centers or bayad centers kung saan pwede kang magbayad ng contributions mo sa SSS. Ang deperensya nito MAY DAGDAG BAYAD. Kung saan ang sinisingil ay katumbas ng singil kapag nag remit ka. Dito ang singil ay nagsisimula sa 15 SAR hanggang 21 SAR (180-250 PHP). Hindi maliit ang halagang yan, dahil katumbas na yan ng isang araw na budget ng pagkain sa Pinas (pang Jollibee mo narin yan kapag nagbakasyon). Hindi mo pa sinama diyan ang haba ng pila na tatahakin mo bago ka makarating sa counter. (Dito, may bonus parusa habang pumipila kung saan halos ayaw mong nang huminga dahil sa sari-saring amoy na malalanghap mo galing sa iba’t-ibang klase ng katawan ng ibat-ibang lahi .Talo mo pa ang na torture sa pelikulang SAW.)
Noong una, may binabayaran akong affiliated bayad center dito located sa Sky Freight sa Batha. Andun narin kasi naka-office ang SSS Representative kaya doon ko na pinasya magbayad. Para isang punta nalang din kasi nagpa-update pa ako ng status from Covered Employee to OCW. Ang charge nila is 15 SAR per transaction. Kaya ang ginagawa ko, 3 mos na ang binayaran ko para kahit paano makatipid ng 2 buwan na charges. Ang isang deperensya, maliit ang forex conversion nila compare sa bank rates. Kaya medyo malaki ang value sa SAR ng binayaran ko.
So mga ilang buwan ko lang muna pinagtiyagaan ang ganung paraan. Hanggang isang araw may na discover akong paraan kung paano makabayad ng hindi na kailangang pumila. Maraming advantages ang ganitong paraan ng pagbabayad.
1. Convenient dahil hindi mo na kailangan pumila, kahit nasa bahay ka lang or nasa office pwede mo gawin.
2. Practical dahil WALANG SERVICE CHARGE. Kung magkano ang SSS contribution mo ganun lang din ang babayaran mo.
3. Fast dahil based on my experience, maximum 3 working days lang at reflected na agad sa SSS account ko. Namomonitor ko yung SSS ko thru Online Inquiry. (Kung paano mo rin magagawa to, check mo itong previous post ko dated July 11, 2010). http://ofwinfocenter.blogspot.com/2010/07/hassle-free-way-of-knowing-your-social.html
4. Reliable dahil ang service provider is a legitimate and kilalang company sa Pinas na affliated sa maraming mga kilalang banks. Meron ka pang electronic receipt na pwede mo print or save as document that will serve as your proof in case magkaproblem. Pero so far, sa tinagal-tagal ko nang ginagawa ang ganito, HINDI pa nagkaproblema.
5. EASY dahil kahit elementary kayang sundan ang procedures. Konting pindot sa keyboard at click sa mouse ayos na.
Hmmm.. ano ba ito at parang isang advertisement na? hehehe baka isipin nyo eh affiliated ako sa company na ‘to. Hindi po… Sasabihin ko na, ito po eh yung online facility na ino-offer ng Bancnet sa mga account holders na may account sa mga affiliated banks nila. Don’t worry at wag maging paranoid dahil baka isipin mo, “Ayaw ko nga, mamaya manakaw pa ang pera ko”. Secured po ang facility ng BancNet dahil encrypted ang data na binabato at gumagamit sila ng virtual keyboard para hindi ma capture ng keylogger ang PIN. Di ko na kailangan explain maigi ang tungkol dito kasi masyado nang technical baka umabot ng siyam-siyam ang paliwanagan.
Ano ba ang kailangan para makagamit ako ng serbisyong ito?
1. Account sa isa sa mga banks na nakalista sa baba. Ito’y maaring savings account or checking account, ang importante merong ATM card na naka-link sa account.
Allied Bank
Asia United Bank
China Bank
Chinatrust Bank
Citystate Savings Bank
East West Bank
Export Bank
Maybank
PBCom
Philippine Business Bank
Philippine National Bank
Philtrust Bank
Postal Bank
PS Bank
QCRB
RCBC
RCBC Savings Bank
Robinsons Bank
Security Bank
Standard Chartered Bank
Sterling Bank of Asia
Tong Yang Bank
2. Computer or laptop na may internet connection.
3. Kailangan alam mo ang SSS number mo.
4. Kailangan alam mo rin ang ATM card number mo at syempre ang PIN.
5. Ang pinaka-importante sa lahat dahil magiging useless kahit meron ka nung apat na nauna kung wala ka nito. Dapat syempre may lamang pera or balanse ang account mo.
Sundan mo lang itong instructions sa baba:
1. Open the BancNet website by typing www.bancnetonline.com or click here.
2. In the main page, click your bank in the list. (in my case I click RCBC)
3. In the Terms and Conditions page, click I agree.
5. The Payment screen will be displayed. Enter the following information:
In the Biller/Institution select SSS Cont- OFW (Be sure that you have already updated your membership status wherein it should be OCW)
(For members other than OFW, you must fill this portion depending on your current membership status).
In the SSS number, enter your 10-digit SSS number followed my month (mm)with the year (yyyy)that you want to pay.(See sample screenshot below)
In this sample, I paid for the June 2010 contribution.
Enter all other necessary information.
Note: The Member number indicates the occurence of your account in the bank.Like in my case, the account I used is my First account in RCBC. If you have multiple accounts in your chosen bank, please verify which number belongs to that specific account that you will use for paying.
6. Upon completion of all required information, enter your PIN by using the virtual key on the right portion of the screen. Your completed form will be similar to this:
7. Click Submit to proceed. A confirmation message will appear:
8. Just click OK if the information are correct. (Review the information before clicking OK)
9. A confirmation page will be displayed upon successul process.
You can print this form by clicking the Print button below the screen or you may capture this screen by pressing Alt+Print Screen on your keyboard and paste it on MS Word.It would also be ideal if you take note of the Trace Number.
Diba, sobrang dali lang? Ngayon papakita ko sa inyo ang proof na pumasok sya sa SSS account ko. Makikita nyo rin kung gaano kabilis pumasok ang payment ko. Ginawa ko yong transaction ng June 25, 2010 which is Friday sa Pinas. Hapon yun dito sa Saudi which is gabi na sa Pinas.Ibig sabihin beyond regular office hours na so wag na nating bilangin as 1 working day. Start tayo ng bilang June 28.So ini-expect ko dapat magreflect na sya by July 1, 2010.
Ito yong screenshot ng actual premium contributions ko:
Ito naman ang details ng payment na ginawa ko:
Pansin nyo yong Post Mark date, naka indicate kung kelan ako nag transact.Wherein yung Validation Date naman is June 29, 2010 which is MAS MAAGA pa kesa sa expected ko na posting date.
Important Note: Ang may ari ng SSS number at may ari ng Bank account (account holder) ay dapat iisang tao lang. Sa ngayon, hindi pa hino-honor kung magkaibang tao ang may ari ng SSS account saka yung bank account.
For more inquiries please contact your bank included in the list above or your nearest SSS office.
Sir ,
ReplyDeleteSimilar dun sa query ko abt Philhealth,,hindi ako dumaan sa POEA since visit visa ako nung dumating dito sa dubai..sabi ko ang ganda dito sa UAE walang mga deductions ng tax,sss,etc..
pino promote mo sa amin ang importance na maituloy ang pagbabayad sa SSS..why? in an OFW perspective bakit po?sensya na clueless ako sa kaalaman.ang nakikita ko man na benefit lang sa akin ay yung kwento lang nila na pwedeng mag avail ng loan sa SSS pag malaki na contribution natin..?btw RCBC din po yung bank ko..at basa baasa lang muna ako dito sa napaka informative na blog nyo..thanks
Personally po sa akin, ang purpose ko talaga kaya ko pinagpatuloy yung SSS is like saving for the RAINY DAYS.Dahil ang SSS in a Pension Plan na ma-avail natin kapag dumating tayo sa punto na mag retire or sa kasamaang palad ay naging totally disabled.Marami akong mga naging kakilala na even kamag-anak pa yung iba na ito ang nagiging case.Noong panahon na ok ang pasok ng pera dahil may trabaho pa as OFW,hindi binigyang pansin ang SSS dahil sa iba-ibang dahilan.Kadalasan sinasabi DAGDAG GASTOS AT HASSLE LANG YAN.. Noong tumanda na at hindi na nagtatrabaho doon na realize na KAHIT PAPAANO sana may pension na tinanggap monthly kung pinagpatuloy lang ang SSS. Hindi ko masyado habol yung pag-avail lng loan sa kanila kasi maliit lang din naman makukuha mong loan.Like sa akin, maximum contribution ako monthly pero ang pwede ko lang ma-loan is 15,000 for 1st loan.Succeeding loan pwede na 2-month value ng Maximum Monthly credit w/c is 30,000.Actually hindi lang actual premium ang pinagpatuloy ko sa SSS,nag enroll pa ako sa FlexiFund.Sa mga susunod na post papaliwanag ko in details ang mga benefit ng SSS pati na ung FlexiFund..
ReplyDeleteHi! Thanks sa info. Kaso wala naman ako account sa banks listed above - BDO and BPI lang :( Workign din ak osa Riyadh, Skyfreight lang ba pwede? I heard pwede din sa Telemoney. I do not have an ANB account din dun. Saudi Hollandi and Al-Rajhi Bank lang. TIA!
ReplyDeletenacheck nyo na dito yung ibang ways?
ReplyDeletehttp://www.pesorepublic.com/db/banking-and-insurance/
hi, im new member of SSS, firt time to pay my contribution in bank, pero i try to email SSS, and ask about the procedure for voluntary member, this is what i got.
ReplyDelete"please be informed that having an SSS number does not automatically qualify you to start paying your contribution. You should first register as self-employed if you have a business or as professional. Or, submit your E-1 to your employer to legally commence your contribution payment."
any suggestion about this? baka masayang lang payment ng monthly contribution if they won't recognize the voluntary member, new member lang ako sa sss.
@ Vince
ReplyDeleteDuring submitting the application form, anong membership status po ba ang select nyo?
@angelo Voluntary po, ksi freelance po ako.
ReplyDeletePaano kung gusto mo buong taon ang bayaran? Paano mo lalagay sa SSS member no. mo yun? Yung example kasi for one particular month lang eh.
ReplyDelete@Anonymous
ReplyDeleteIsa-isa mo po syang ipapasok per month. Bale kung start ka ng January follow po yung steps sa taas starting with first month. After mo matapos at makita yung transaction reference return to Step No. 4 then saka mo ulit pasok yung combination na para sa 2nd month (xxxxxxxxxx022013) then balik ka ulit step. No. 4 for march and so on and so forth.
may mas madali kaysa bancnet.. check nyo tong website na to..http://saudilife101.blogspot.com/
ReplyDeleteHi Sir Richard Herald.. Thanks for visiting this site and leaving a comment. Good to know your also have a blog. The option you give is also good however the only turnoff thing is their 40 pesos service charge :) . I still prefer the Bancnet Online option because of zero charge.
ReplyDeleteHi sir angelo, ask ko lng po ano yong e click mo para makita yong details ng contribution nyo like posting date at validation date..thnks po
ReplyDeleteThanks for detailde instruction, very useful
ReplyDelete